“Ang taong hindi marunong magmahal sa sariling wika… ay daig pa ang hayop at malansang isda”
Yan ang katagang umaalingawngaw sa aking isipan sa tuwing
maaalala ko ang usapang “MAKABAYAN”. Ang tanong ko lang sa kapwa ko Filipino,
sa salita nga lamang ba natin dapat masasabing tayo ay makabayan? Marami ngang
nagsasabi na “Ang taong hindi marunong magmahal sa sariling wika… SA CALL
CENTER naglipana!” ngunit hindi dahil sa kolsenter ka nagtratrabaho ay hindi ka
na makabayan. Marami parin naming pinoy ang hindi papasa kung ang pagiging
makabayan ang paguusapan natin. Sige maglista tayo ng ilan sa mga gawing pinoy
na siguradong babagsak sa pagiging makabayan:
- Ang pagbili at pagtangkilik ng gamit na gawa ng banyaga.
- Ang pagkain ng gawang banyaga.
- Ang pagpapangalan sa mga anak natin ng pangalang banyaga.
- Ang pagpapa-puti ng kutis.
- Ang pagsusulat ng mensahe ng hindi maayos na tagalog o palagiang daglat nalang lahat.
- Ang pangingibang-bayan.
- Ang pag-awit at pag-idolo ng hindi gawang pinoy o ng sa pinoy.
- Ang pagsasalita ng “tag-lish” o “kon-nyo”.
- Ang anime.
- Ang pag-awit ng “let it go… let it go…”
- Ang pagsabi ng “Oh my God!”
Ang dami pang iba ngunit hindi dahil ginawa mo ang isa o
higit pa sa mga yan ay hindi ka na makabayan. Ang pagiging makabayan ay nasa
puso at isipan. Yung tipong HINDI ka MAGNANAKAW sa KABAN NG BAYAN dahil alam
mong para sa taong bayan ito at hindi sa bulsa mo. Yung tipong HINDI ka
magsasalita ng Ingles sa loob ng dyip dahil lang nagtratrabaho ka sa kolsenter.
Yung tipong HINDI ka o-order sa kainan ng “Ah-SHAR please!” kasi ang basa
talaga dun ay “ATSARA”. Yung tipong HINDI ka magbibilang ng “out of the country”
o labas mo ng bansa kundi dapat ipagmalaki mo na nakita mo ang kabuuan ng
Pilipinas dahil sa totoo lang mas marami pang magagandang lugar dito sa atin.
Pero kapag may kasali sa patimpalak sa Amerika tapos may
lahing Pilipino lang magsasabi na kayo kaagad na “PROUD PINOY” or “PINOY PRIDE”.
Ay sus! Sana ipagbunyi mong Pilipino ko dahil Pilipino ka hindi yung tipong
nakiki-sunod-uso ka lang.
Nakakatawa naman itong isinulat ko, hindi ko malaman kung saan
tutungo. Mga kababayan ko ito nalang ang iiwan kong kataga sa inyo:
“Gawin mong ikaw ay maging isang mabuting mamayan ng bansang
Pilipinas o kung nasaan ka man at ipagdiwang mo ang Kalayaan ng Pilipinas.
Huwag mong kalilimutan ang Kultura mong pinagmulan at ang lupa mong sinilangan.”
No comments:
Post a Comment